Ang akalang pasalubong na tsokolate, mga hinihinalang shabu pala ang laman. Iyan ang nahuli ng awtoridad mula sa isang Canadian senior citizen na dumating sa NAIA Terminal I nitong June 29.<br /><br />Naghinala raw ang awtoridad sa laman ng kanyang bagahe nang dumaan ito sa kanilang X-ray machine at mag-react ang kanilang narcotics detection dog. Nang buksan ang bagahe, nakita ang mga hinihinalang shabu na nakasilid sa pakete ng mga tsokolate.<br /><br />Ang detalye, alamin sa video.